Sa loob ng mahabang panahon, ang BDO Network Bank ay naging kaagapay na ng mga Pilipino, partikular na sa mga nasa liblib na lugar ng bansa, sa pag-iingat ng kanilang perang pinaghirapan at pagpapalago ng kanilang kabuhayan.
Bukod dito, ang BDO Network Bank ay naging malaking bahagi na rin sa positibong pagbabago ng maraming komunidad. Lahat ng iyan ay nagsimula sa pagtulong sa isang customer–isang customer na kinalaunan ay naiahon ang kanyang pamilya; isang pamilyang kinalaunan ay nakatulong sa kanilang komunidad.
Naniniwala ang BDO Network Bank na ang tuloy-tuloy na pag-unlad ay makakamit lamang kung tayo ay sama-sama. Kung kaya, patuloy ang Bangko sa pagtulong at pag-agapay hindi lamang sa kanilang mga customer kundi pati na rin sa buong komunidad.
Tulong sa gitna ng krisis
Kilala rin sa pagiging maaasahan ang BDO Network Bank lalo na sa panahon krisis. Sa gitna ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), maraming empleyado nito ang nagpakita ng sakripisyo, kadalasan pa ay naglalakad lamang papunta ng mga checkpoints upang magbigay o magpapirma ng loan documents sa mga customer na alam nilang nangangailangan ng pautang.
Naging malaking dagok ang COVID-19 pandemic sa maraming micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs). Hindi naging ligtas dito ang isang 51-year old na mananahi mula sa Davao City. Dumating sa puntong muntik ng magsara ang kanyang munting negosyo dahil sa kawalan ng customer ngunit sinuwerteng makakuha ng isang malaking order ng mga washable face masks.
Makakatulong nang malaki ang order na ito sa pag-ahon ng kanyang negosyo ngunit wala syang sapat na kapital para puhunanan ang mga materyales para matahi ang mga face masks. Naisipan niyang mag-loan sa bangko para sa kanyang puhunan ngunit tinanggihan ng lahat hanggang sa makausap niya ang BDONB MSME Matina Team. Kinumusta siya ng team at inalam kung paano sila makakatulong.
Pagkatapos kausapin ang mananahi, nangako ang BDONB MSME Matina Team na tutulungan siyang makakuha ng loan. Matapos lang ang ilang araw, nakuha ng mananahi ang kanyang hiniram na pera. Natapos niya ang order ng kliyente at naging malaking ginhawa sa kanya at mga empleyado niya ang kinita nila. Kumita rin ang supplier ng kanyang materyales na isa ring MSME. Bukod dito, nakatulong din ang washable masks na kanilang tinahi sa proteksyon ng komunidad laban sa COVID-19.
Abot-kamay na serbisyo gamit ang BDO Network Bank Facebook Page
Maraming lugar na ang nasa General Community Quarantine (GCQ) subalit patuloy pa rin ang mga restrictions. Kaya naman bukod sa physical distancing sa loob ng branch, pagsuot ng masks, face shields, at iba pang safety measures; may isa pang solusyon ang BDO Network Bank para patuloy na mapagsilbihan at matugunan ang mga pangangailangan ng mga customer. Ito ay ang paglunsad ng BDO Network Bank Facebook page.
“Hindi kaduda-dudang mahilig tayong mga Pinoy sa Facebook kaya isa ito sa mga gagamitin naming channels para abutin ang aming mga customers at tugunan ang mga pangangailangan ng komunidad ngayong may pandemya,” ani BDO Network Bank president J. Antonio S. Itchon.
Ang Facebook page ng BDO Network Bank ay alternatibong paraan para mag-ugnayan at mag-usap ang Bangko at ang mga komunidad na sineserbisyuhan nito. Nasa Facebook page din ang iba’t ibang information tungkol sa kanilang mga products and services, mga financial wellness tips at success stories na maaaring magbigay inspirasyon.
Bisitahin lang ang official Facebook page ng BDO Network Bank: https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH